Pangulong Duterte, 2 heneral bistado sa iligal na droga

Binunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na dalawa pang heneral ang hindi natitinag at patuloy sa ‘paglalaro’ ng iligal na droga.

watch the video here:

Sa forum sa Russia, nilantad ni Duterte na may mga high ranking military official pa rin ang kanyang binabantayan sa iligal na droga.

“And right now, even as I fly here and go back. There are about again two generals who are still playing with drugs,” lahad ng Pangulo.

Ngunit hindi pa nito pinababatid ang pagkakakilanlan ng dalawa.

Matatandaan na mainit sa Senado ngayon ang pagdinig sa mga ninja cop, o yung mga pulis na nagre-recycle ng iligal na droga mula sa nakulimbat sa buy-bust ops.

“And I said, ‘Well, I told you do not destroy my country because it is being flooded with drugs,’” giit ni Duterte.

“I’m not only fighting corruption from the inside of government. I was fighting…corruption and the trafficking of drugs even in my government. And that is why I had to do something very fast.”

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.