Pangulong Duterte: Ang taumbayan ang dapat kilalanin sa mga proyekto ng gobyerno

Binigyang diin ni Pangulong Rodrigo Duterte na pera ng taumbayan ang ginugugol sa mga proyekto ng pamahalaan, kaya’t hindi dapat siya ang binibigyang pagkilala sa mga nakumpletong proyekto sa ilalim ng kaniyang administrasyon.

“Nothing. All I want the people is to just look around. Ito, ‘yong ganito. Hindi ko ipagyabang. Unang-una, hindi ko ito pera. That’s not my money,” sabi ni Pangulong Duterte.

Tugon ito ng pangulo nang tanungin kung ano ang dapat abangan ng publiko sa kaniyang nalalapit na ang kaniyang huling State of the Nation Address (SONA), at ano ang maiiwaang legasiya ng kaniyang administrasyon.

Sa inagurasyon ng Lrt-Line 2 East Extension Project, sa Antipolo Station, sa Rizal, sinabi ng pangulo na wala siyang anumang proyekto ang ipagyayabang.

“I will just mention what were the projects completed without necessarily attributing the miracle to me. Worker ako ng government. Nagtrabaho lang ako. So wala akong dapat ipagyabang,” ayon kay Pangulong Duterte.

Aniya, hindi naman siya ang nagpagod at hindi rin naman siya ang nasa grounds o iyong mismong tumutok upang maisakatuparan ang mga programa o proyekto ng pamahalaan.

Sinabi ni Pangulong Duterte na kung mayroon mang mga indibidwal na dapat tumanggap ng credit sa bawat proyektong naku-kumpleto, ito ay walang iba kung hindi ang mga kalihim ng mga departamento, at mga mangagawa ng pamahalaan, na talagang nagtrabaho at nagpakahirap upang matapos ang mga ito.

“So sila ang dapat. The workers of government, especially those who are appointed and who have worked so well, iyon ang dapat. The credit should go to them,” dagdag ni Pangulong Duterte.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.