Pangulong Duterte, binalaan ang mga estudyanteng sasali sa NPA

Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga estudyanteng aanib sa rebeldeng New People’s Army (NPA).

Sabi ng Pangulo, kung gusto ng mga kabataan ngayon ng adventure at mamatay sa proseso ay sumali ito sa mga rebeldeng NPA.

Maaari din umanong iwanan ng mga ito ang kanilang pamilya at tuluyang pumasok sa mundo ng mga rebelde na punong-puno ng karahasan.

Kaugnay nito ay sinabi ng Pangulo, na nakatakda siyang mag-recruit ng karagdagang mga sundalo kung saan ito umano ang ipapantapat niya sa mga kabataang sasali sa kilusan.

Ang utos niya umano sa mga sundalo ay hulihin ang mga NPA buhay man ito o patay.

Ang pahayag ng Pangulo ay kasabay na rin ng kautusan nito sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na magkaroon ng full scale operation laban sa mga teroristang NPA.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.