Pangulong Duterte binalaan ang mga korap na opisyal ng gobyerno

Muling binalaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga korap na opisyal ng gobyerno na hahabulin ang mga ito sa kanyang natitirang isang taon sa termino.

Sa kanyang huling State of the Nation Address (SONA), nangako ang Pangulo na huhulihin ang mga korap na government officials.

“So of late, ‘yung sabi nila na huwag na lang ano kasi nasasaktan ‘yung mga pamilya. So ngayon, wala na. I have stopped it. But there is no — there is no saying that we cannot reimpose it again for all of these idiots. I still have about a year to go. I will — I will reach you somehow,” ani PRRD.

Gayunman, aminado si Pangulong Duterte na hindi mapipigilan ang korapsyon sa gobyerno hangga’t hindi mababago ang buong sistema ng pamahalaan.

“But corruption, it’s endemic in government. You cannot stop corruption. Nobody can stop corruption unless you overturn the government completely. If I were the next president, if you think there’s really a need for you to change everybody in the system, then you declare Martial Law and fire everybody and allow the new generation to come in to work for the government.

Ikinumpara ng Pangulo ang korapsyon sa iligal na droga na kinasasangkutan ng siyam na heneral ng pambansang pulisya.

Samantala, tinatayang nasa dalawandaang tauhan ng gobyerno na ang tinanggal sa serbisyo matapos masangkot sa korapsyon at apatnapu’t tatlo naman ang tinanggal mula sa Bureau of Immigration.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.