Pangulong Duterte binanatan sina Robredo, Lacson sa isyu ng VFA

Iginiit ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na tanging ang Pangulo lamang ang may kapangyarihan sa ilalim ng 1987 Constitution na magdesisyon pagdating sa foreign relations ng bansa.

Sa public address ng Pangulo, Lunes ng gabi ay tila ipinamukha at pinayuhan pa ni Pangulong Duterte sina Vice President Leni Robredo at Senator Panfilo Lacson na mangyaring tingnan ang nasabing charter, kung saan nagsasaad na “provides that foreign relations or foreign policy is vested on the president alone.”

Sa ulat, inihalintulad kasi ni Robredo sa pangingikil ang paghingi ni Pangulong Duterte ng bayad mula sa US para sa pagpapatuloy ng mga aktibidad sa ilalim ng VFA. Sinabi ni Robredo na parang gawain lamang ito ng isang kriminal.

Habang sinabi naman ni Lacson sa buradong tweet nito na tila ay naka-address sa Amerika na hindi lahat ng mga Pilipino ay extortionist matapos ang paghingi ng Pangulo ng bayad para sa pagpapatuloy ng mga aktibidad sa ilalim ng Visiting Forces Agreement.

“Kinakabahan ako if by chance mag-president ka.. . .  If by unfortunate chance you become president, please study more, you need a refresher course in law,” ayon kay Pangulong Duterte na malinaw na ang pinatatamaan ay si Robredo.

At ang payo naman ni Pangulong Duterte kay Senator Lacson ay komunsulta sa mga abogado upang malaman nito kung alin sa mga isyu ng bansa ang dapat niyang bigyan ng komento.

Ayon sa Pangulo, naging tuso si Lacson sa maraming mga patama nito sa nakalipas.

Ngunit Iginiit ng Punong Ehekutibo na mali ang mga naging pahayag ni Lacson sa maraming bagay at ngayon ay nagkokomento ang senador sa isang isyu na wala naman itong kinalaman.

Habang ang banat naman ng Pangulo kay Robredo ay walang kinalaman dapat sa foreign police ang isang bise presidente o senador.

Naniniwala ang Pangulo na tila nakakalimutan ni Robredo ang pagiging abogado nito sa tuwing nagsasalita ito.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.