Pangulong Duterte, binantaan ang Canada sa basurang pinadala sa Pilipinas

watch the video here:

Binigyan ng isang linggo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang gobyerno ng Canada para kunin pabalik ng kanilang bansa ang basurang itinapon sa Pilipinas.

Sa situation briefing sa Provincial Capitol sa San Fernando, Pampanga, sinabi ng Pangulo na may hanggang sa susunod na linggo ang Canada para hakutin ang mga basurang itinapon sa bansa.

Kapag aniya hindi kinuha ang basurang itinapon sa bansa ay siya mismo ang magpapadala sa mga ito sa Canada sakay ng barko.

“Yung basura ng Canada, I want a boat prepared and give a warning to Canada maybe next week that they better pull that thing out or I will set sail doon sa Canada ibuhos ko ‘yang basura nila doon,” anang Pangulo.

Hindi maintindihan ng Presidente kung bakit itinapon ng Canada ang kanilang basura sa bansa nang sunod-sunod at ngayon ay nakatambak sa ilang lugar sa Central Luzon.

Sinabi ni Pangulong Duterte na kapag nagmatigas ang mga ito ay aawayin aniya nito ang Canada.

“Awayin natin ang Canada. We will declare war against them. Kaya man natin ‘yan sila. Isauli ko ‘yan talaga. Ikarga mo ‘yan sa barko and I will advise Canada that your garbage is on the way, prepare a grand reception. Eat it if you want to,” dagdag ng Pangulo.

Galit ang Pangulo dahil kinakaya-kaya aniya ng Canada ang Pilipinas at hindi siya papayag sa ganitong trato sa mga Pilipino.

Idinagdag pa ng Pangulo na aatasan niya ang Bureau of Customs na ibalik ang basura sa Canada kahit ayaw ng mga ito.

Ang ibang basura aniya ng Canada na nakatengga sa bansa ay ibuhos sa Canadian Embassy.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.