Pangulong Duterte binati si US President-elect Joe Biden

“Congratulations and we wish him all the best.”

“On behalf of the Filipino nation, President Rodrigo Roa Duterte wishes to extend his warm congratulations to former Vice President Joseph “Joe” Biden on his election as the new President of the United States of America,” ito ang mensahe ng Malakanyang sa pagkapanalo ni Biden bilang bagong Pangulo ng Estados Unidos.

Ani Sec. Roque, ang Pilipinas at Estados Unidos ay mayroong “long-standing bilateral relations” at committed na mas paghusayin pa ang relasyon

sa Amerika sa ilalim ng Biden administration.

“We look forward to working closely with the new administration of President-elect Biden anchored on mutual respect, mutual benefit, and shared commitment to democracy, freedom and the rule of law,” ayon kay Sec. Roque.

Nauna rito, dineklara na ng ilang international media outlet na panalo si Joe Biden sa 2020 US elections nitong Linggo ng hatinggabi, oras sa Pilipinas.

Sa ilang news agency tulad ng NBC, Fox News at CNN, binigay na kay Biden ang panalo sa Pennsylvania, na may 20 electoral votes.

Ibig sabihin ay lumampas na sa 270 boto ang nasungkit ng dating bise presidente para makuha ang puwesto sa White House.

Sa naturang state, lamang ng 34,000 si Biden kontra kay incumbent US President Donald Trump na 99 percent na ang nabilang na boto.

“America, I’m honored that you have chosen me to lead our great country,” ayon kay Biden.

“The work ahead of us will be hard, but I promise you this: I will be a president for all Americans — whether you voted for me or not. I will keep the faith that you have placed in me,” dagdag na pahayag nito.

Samantala, naglabas naman agad ng pahayag si Trump kung saan pinabulaanan nito ang report ng media tungkol sa pagkapanalo ni Biden.

“Joe Biden has not been certified as the winner of any states, let alone any of the highly contested states headed for mandatory recounts,” ayon kay Trump, kung saan giniit na ‘legal votes’ ang dapat pagbasehan at hindi ang media.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.