Pangulong Duterte binigyan ng hanggang Disyembre si PhilHealth Pres. Gierran para linisin ang kanilang tanggapan

Binigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng hanggang Disyembre si PhilHealth President Dante Gierran na linisin ang hanay ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ultimatum ito ng Pangulo lalo’t nais nito na malinis na ang hanay ng PhilHealth, mula sa korapsyon.

Nais aniya ni Pangulong Duterte na maisampa na ang lahat ng mga kasong dapat na maisampa, at iba pang hakbang upang malinis na ang organisasyon.

Gayunpaman, hindi naman aniya nangangahulugan ito na ang termino ni Atty. Gierran ay tatagal lamang rin hanggang Disyembre.

“Hindi naman po ibig sabihin na ang termino niya ay hanggang doon lamang. But since I was not physically present during the meeting, I can only rely on the statement made by Tito Sotto which was corroborated to me by Majority Floor Leader Martin Romualdez,” pahayag ni Secretary Roque.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.