Pangulong Duterte, ‘black propaganda’ lang ang pagkakasama ni Col.Espenido sa drug watchlist

Para sa Malakanyang ay bahagi ng “black propaganda” ang pagkakasama ni Police Lt. Col. Jovie Espenido sa drug watch list at mga opisyal na sangkot sa pagpatay sa mga drug-linked politicians.

Kaya para kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay hindi totoo ang pagkakasangkot ni Espenido sa ilegal na droga.

“President Rodrigo Roa Duterte believes that Police Lt. Col. Jovie Espenido is clean,” ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo.

“[The President] believes that the reports of his alleged involvement in prohibited drugs are untrue,” dagdag na pahayag nito..

Nabunyag na si Espenido ay kasama sa narco-list ni Pangulong Duterte matapos na buksan ng police force ang imbestigasyon sa mga taong kasama sa listahan.

Si Espenido ang namuno sa anti-illegal drugs operation na nagresulta ng pagkamatay ni Ozamiz mayor Reynaldo Parojinog at ng asawa nito.

Siya rin ang police chief ng Albuera town nang mapatay si dating mayor Rolando Espinosa Sr. Sa kanyang kulungan.

Pinalitan si Espenido bilang deputy chief for operations ng Bacolod City Police, at sa halip ay ni-reassigned bilang Office of the Philippine National Police chief.

Sinabi ng Malakanyang na ang report na sangkot si Espenido sa illegal drugs ay bahagi ng pagsisikap na sirain ang kanyang reputasyon at “to derail his unrelenting campaign against illegal drugs.”

Sa kabila nito, tiniyak naman ng Malakanyang na nananatili ang tiwala ni Pangulong Duterte kay Espenido.

“Lt. Col. Espenido continues to enjoy the trust and confidence of the President,” ayon kay Sec. Panelo

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.