Pangulong Duterte bubuksan ang korapsyon ng nakaraang administrasyon

Tinitingnan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang muling pagbubukas ng imbestigasyon sa mga corruption scandals na tumutugis sa pamahalaan kabilang na ang “infamous toilet project” kung saan inilagay ang toilet bowl o inidoro ng “side by side” o nakahilera lang ng walang dividers.

Sa public address ng Pangulo, Huwebes ng gabi ay sinabi nito na ang maanomalyang proyektong ito at iba pang kuwestiyonableng programa ay maaaring maging bahagi ng kanyang pinakabagong kampanya laban sa korapsyon.

Tinukoy ng Punong Ehekutibo ang lumang isyu ng restrooms o banyo na itinayo sa the Philippine National Railways (PNR) España stations na inilagay nang walang dividers “for privacy.”

Ang proyekto na sinimulan sa ilalim ni dating Pangulong Benigno Aquino III’s term, ay ginamit ng mga supporters ni Pangulong Duterte para bigyang-diin ang di umano’y incompetence o kawalan ng kakayahan ng nakalipas na administrasyon.

“Ang pinaka-marami (issues) itong road right of way na hanggang ngayon, ewan ko kung anong nangyari there was this scandal somewhere in Cotabato, I remember it but I, I am remembering it now, tignan ko kung, tanungin ko ang DPWH kung ano ang nangyari doon, or I will have it reinvestigated,” ayon kay Pangulong Duterte.

“Karamihan mga ghost projects.

‘Yan ang ano dyan, ‘yong iba naman kagaya ng public works na nakita ninyo, ‘yong kubeta na walang cover na puro naka-hilera lang ‘yong bowl, inodoro, walang division, wala lahat, ‘yon ‘yong mga putang inang klase ng trabaho. So ‘yong gano’n, balikan ko ‘yon,” aniya pa rin.

Kaya nga binalaan nito ang mga tiwaling opisyal na maaaring sangkot sa mga lumang usapin at sa mga nananatiling nagta-trabaho sa kani-kanilang kinauukulang ahensiya na magbitiw sa puwesto dahil talagang hahabulin niya ang mga ito.

Taong 2018, ang Department of Transportation na siyang nangasiwa sa PNR ay nagpahayag na ang mga proyekto ay bahagi ng Kayo ang Boss Ko (KBK) toilet initiative noong 2012 na naiwan namang hindi tapos o nakatengga.

“I’d like to remind anybody sa DPWH who has had a participation there being the investigator or connected with the construction, you better, you report to me. Tanungin ko kayo kung paano ako magdumi kung ganito para kaming classmates, seatmates kami, put*ng ina,” ayon sa Pangulo.

“Kalokohan, kabastusan talaga ng… I’m sure government would not allow that kind of project, no engineering department or the engineer themselves would be too crazy to do that. ‘Yon ang mga project na hao siao, ‘yang partial delivery or ‘yong halos ibigay sa’yo,” dagdag na pahahag nito.

Ukol naman sa tanong hinggil sa kung ang anti-corruption drive ay tila huli na para sa usaping ito dahil nakatuon ang pansin ng pamahalaan sa COVID-19 pandemic, ay binigyang diin ng Pangulo na may panahon para rito.

“Ang ibang kasalanan, okay lang pero itong mga ghost projects, mga project na wala dyan, karamihan dyan ‘yong mga health centers. Wala ‘yan, tip lang ‘yan, ngayon kung ‘yan ang ginawa niyo, that’s shortchanging government,” diing ng Chief Executive.

“You will go to jail for that, I have two years to do it, and about six months to file all the charges,” pagtiyak ng Pangulo.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.