Pangulong Duterte, bukas sa posibleng magkaroon ng VFA sa ibang bansa

Naniniwala si Chief Legal Counsel at Spokesperson Salvador Panelo na hindi tuluyang nagsasara si Pangulong Rodrigo Duterte ng pintuan patungkol sa posibilidad na magkaroon ng Visiting Forces Agreement (VFA) sa ibang bansa.

Ayon kay Panelo, kung makakabenepisyo naman ang bansa sa pagkakaroon ng VFA sa ibang mga nasyon ay nasisiguro niyang magiging bukas ang Chief Executive sa posibilidad na pumasok sa bagong kasunduan.

Basta aniya pabor sa atin o kapwa beneficial sa kung alinmang bansa na ating makakausap na may kinalaman sa VFA ay tiyak na ikukunsidera ito ng ating pamahalaan.

Pero sa ngayon ayon sa tagapagsalita ng Pangulo ay matibay ang tindig ng Presidente na mas maiging magsolo muna at umasa sa sariling defense capability ng bansa.

Hindi naman aniya maaaring sa habang panahon ay nakadepende na lang ang Pilipinas sa ibang bansa sa larangan ng depensa.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.