Pangulong Duterte, dedesisyunan bukas kung tuloy o dapat ipatigil ang physical distancing reduction sa mga public transport

Bukas inaasahang dedesisyunan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang usapin tungkol sa pagbabawas ng physical distancing sa mga pampublikong transportasyon.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque sa harap ng nabuo nang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) hinggil sa isyu.

Ayon kay Roque, nabuo ang rekomendasyon matapos ang anim na oras na pagpupulong ng Task Force kahapon na dinaluhan ng mga dati ring Department of Health (DOH) secretary gaya nina Dr. Esperanza Cabral at Dr. Manuel Dayrit.

May iba pa aniyang eksperto na kasama sa pulong na nagpresenta ng kani-kaniyang argumento sa subject matter.

Pero sa hinaba-haba ng diskusyon ani Roque ay nakapagdesisyon rin sa bandang huli ang IATF na ang pasya aniya ay ibinatay sa siyensa.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.