Pangulong Duterte, desidido nang magpaturok ng Chinese COVID vaccines

Nananatiling consistent ang nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na Chinese COVID-19 vaccines ang iturok sa kaniya.

Pahayag ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque, kasunod ng inaasahang pagdating ng Sinovac vaccines sa Pilipinas sa ika-23 ng Pebrero.

“I know the decision of the President already. I can say that the President’s decision is consistent that he prefers Chinese.” ani Secretary Roque.

Ayon sa kalihim, nakapagdesisyon na rin si Pangulong Duterte kung gagawing pribado o isasapubliko ang kaniyang pagbabakuna.

Gayunpaman, tumanggi na muna ang kalihim na sabihin ito, bagkus, ay si Pangulong Duterte na aniya mismo ang mag-aanunsyo ng kaniyang desisyon.

“But, I’m not at authority to make public that decision. The President will make that pronouncement himself.” giit ni Secretary Roque.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.