Pangulong Duterte, ‘di magdadalawang-isip na sibakin ang suspendidong opisyal ng gobyerno

Hindi magdadalawang-isip si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na sibakin sa puwesto ang mga opisyal ng pamahalaan na sinuspende sa serbisyo ng Tanggapan ng Ombudsman.

Sa public address ng Chief Executive, Martes ng gabi ay binalaan nito ang mga suspended government officials na huwag nang gumawa ng panibago pang kasalanan kahit ito’y simpleng ‘neglect of duty’ dahil siguradong sibak sa puwesto.

‘Next time, I will dismiss you from the service. All of you who are suspended, the next time you have [a case] of even simple neglect of duty or whatever, if it falls as a ground for dismissal, I will have you removed,” ayon sa Pangulo.

“Do not ever think you are indispensable,” dagdag na pahayag nito.

Ipinaalala pa ng Pangulo sa mga suspendidong opisyal ng gobyerno na napakaraming Filipino na nakapagtapos ang “competent and honest” na hanggang sa kasalukuyan ay walang trabaho.

“So, all of you in government, take care of your position. Do not allow even a dent of [an] anomaly.”

I’m telling you: I’m going to be stricter now until the end of my term… There are many Filipinos who are just waiting, who are civil service eligible. There are many of them who I can replace you with.” diing pahayag ng Pangulo.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.