Pangulong Duterte, di na-offend sa “gentleman’s agreement” sa pagitan nina Cayetano at Velasco — Palasyo

Hindi naman nasaktan o na-offend si Pangulong Rodrigo Duterte kung anoman ang kinahihinatnan ngayon ng “gentleman’s agreement” sana sa pagitan nina House Speaker Alan Peter Cayetano at Representative Lord Allan Velasco.

Paliwanag ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, tapos na ang naging papel ng Pangulo na nagsilbing broker sa dalawang kongresista.

Nagawa na din aniya ng Pangulo na magpa-alala sa dalawa na sana’y matupad ang maginoong kasunduan at ito’y sa harap ng katotohanang
alam din naman ng Presidente na hindi niya maaaring diktahan ang mga ito na tuparin ang kanyang unang naging suhestiyon.

Wala ani Roque ang bola sa Pangulo kundi nasa numero na nang mga kongresista partikular sa kung sino sa tingin nila ang dapat na maging lider nila sa Kamara.

Kaugnay nito’y kung “gentleman’s agreement” ang pag-uusapan, inihayag ni Roque na masasabi namang tumupad si Cayetano sa usapan kasunod ng naging pagbibitiw nito kamakalawa bilang House speaker dangan lang at may naghain ng mosyon na huwag itong tanggapin na pinaboran naman ng mayorya sa Kongreso.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.