Pangulong Duterte ‘di takot makulong sa planong kaso isasampa ng NUPL – Palasyo

Binalewala ng Malacañang ang plano ng National Union of Peoples Lawyers (NUPL) na kasuhan si Pangulong Rodrigo Duterte pagbaba nito sa puwesto sa 2022 kaugnay sa umano’y maramihang pagpatay sa bansa.

watch the video here:

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na malaya ang sinuman na magsampa ng kaso laban sa inaakalang lumabag sa batas.

Ang korte naman aniya ang magdedetermina kung may batayan ang reklamo laban sa Presidente.

“It’s a free country, everyone is entitled to file any case against whosoever they think has violated the law, and let the courts decided of the validity of such complaint,” ani Panelo.

Sa ngayon ay hindi maaaring kasuhan ang Presidente dahil mayroon itong immunity from suit habang siya ay nasa puwesto.

Sinabi ni Panelo na hindi nangangamba si Pangulong Duterte sa plano ng kanyang mga kritiko pagkatapos ng kanyang termino dahil ang tutok niya sa ngayon ay tiyakin ang magandang buhay para sa mga Pilipino.

“The only worry that the President has is the sufferings of the people, that is why he does a lot of things to make lives comfortable for them,” dagdag pa ni Panelo.

Matatandaang makailang ulit na inihayag ni Pangulong Duterte na hindi siya natatakot makulong dahil ginagawa lamang nito kung ano ang nararapat para sa kaligtasan ng susunod na henerasyon lalo na sa banta ng iligal na droga sa mga Pilipino.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.