Pangulong Duterte, fully vaccinated na vs. COVID-19

Ganap na ang proteksyon ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa COVID-19. Ito ang kinumpirma ni Presidential Security Group (PSG) Commander Jesus Durante III ngayon hapon.

Ayon kay Col. Durante, makalipas ang labing apat na araw mula nang isapubliko ang pagtuturok ng Sinopharm COVID-19 vaccine sa pangulo, ay agad rin nitong tinanggap ang kanyang ikalawang dose.

Aniya, mahalaga na fully vaccinated na ang Pangulo upang matiyak ang kalusugan at kaligtasan nito, upang patuloy na magampanan ang kanyang tungkulin, at mapaglingkuran ang taumbayan.

Nananatili aniyang ligtas ang pangulo mula sa virus.

Sila naman aniya sa PSG, ay patuloy na nakabantay at titiyakin ang kaligtasan ni Pangulong Duterte, upang magampanan nito ang kanyang tungkulin sa bansa.

“Ang inyong PSG po ay nananatiling tapat sa aming tungkulin upang ingatan ang kaligtasan ng ating Pangulo. So sa lahat ng oras iyan po ang ginagawa namin. Ang ating pangulo po ay walang pagod sa pagseserbisyo sa sambayanang Pilipino.” —PSG Commander Durante.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.