Pangulong Duterte, gusto muling ipadampot ang mga pinakawalang preso na heinous crime offender

Hinimok ng Malacañang ang Department of Justice (DOJ) na pag-aralan ang posibilidad na muling pag-aresto sa mga presong napalaya sa ilalim ng Good Conduct and Time Allowance Law (GCTA) , lalo na ang mga nahatulan dahil sa karumal-dumal na krimen.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na maaaring gawing legal na basehan ang kasong binanggit ni Senador Franklin Drilon sa Senate hearing noong Lunes na People vs.Tan, kung saan inutos ng Korte Suprema ang muling pag-aresto sa presong napalaya base sa GCTA na hindi naman pala dapat mapalabas sa kulungan.

“The Office of the President urges the DOJ to study the possibility of re-arresting those released for GCTA but were disqualified by law, such as those convicted of heinous crimes,” ani Panelo.

Binigyang-diin ng kalihim na hindi kinukunsinti ni Pangulong Rodrigo Duterte ang anumang uri ng kawalang hustisya na posibleng nangyari sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Sinabi pa ni Panelo na titiyakin ng Palasyo na hindi na mauulit ang mga aksiyong ginawa ng nakalipas na administrasyon sa pamamagitan ng GCTA dahil tutuldukan ang mga ganitong hakbang sa Bureau of Corrections.

“The President will not tolerate any form of injustice being committed under his watch and it is for this reason that he will ensure the practice initiated by the past administration on the granting of GCTA will no longer continue,” dagdag pa ni Panelo.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.