Pangulong Duterte, handang i-presenta sa publiko kung paano ginastos ang pondo sa COVID-19

Handa si Pangulong Rodrigo Duterte na balikatin ang pagpapaliwanag sa bayan sa kung paano nagugugol ng pamahalaan ang pondo para sa pagtugon sa COVID-19.

Sa muling pagharap ng Pangulo sa sambayanan, inihayag nitong hindi dapat mag-alala ang publiko dahil lahat aniya ng perang ginamit sa COVID ay daraan sa accounting.

Preparado aniya siya na gawin ang responsibilidad na sagutin ang mga katanungan tungkol sa ginawang paggastos ng gobyerno ng budget na may kinalaman sa pagtugon sa pandemya.

Sa kabilang dako’y tiniyak din ng Chief Executive na may makukulong sa ginawang pagnanakaw sa pera ng bayan na ginagamit sa COVID.

Ang pahayag ay ginawa ng Chief Executive nang mabanggit nito ang tungkol sa report na isinumite ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Bebot Bello.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.