Pangulong Duterte, handang tanggapin ang mga dating nanungkulan sa Aquino at Arroyo administration, para ipwesto sa TRB

Nakahanda si Pangulong Rodrigo Duterte na humugot ng mga ipapalit na tao sa Toll Regulatory Board (TRB) mula sa mga tauhan ng dating administrasyon.

Sa gitna ito ng pahayag ng Chief Executive na nais niyang mapalitan na lang ang mga taga-TRB dahil sa pagiging incompetent.

Ayon sa Pangulo, wala siyang pakialam kung ang kunin niya mang pamalit sa mga matatanggal sa TRB ay mga nakapaglingkod sa panahon ng Aquino o Arroyo administration.

Ang mahalaga sabi ng Chief Executive ay may karanasan sa pagpapatakbo at hindi lang basta nakapag-take oath nang hindi naman pala alam kung paano ang pagiging regulator.

Hinding-hindi aniya matatanggap ng Pangulo ang incompetence lalo’t ang bagsak o sumasalo ng sisi ay nasa kanilang nagtitimon sa bansa.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.