Pangulong Duterte, handang ubusin ang pera ng pamahalaan para sa tao

Muling dumaing sa publiko ang Pangulong Rodrigo Duterte patungkol sa aniya’y nagpapatuloy pa ring problema ng gobyerno hinggil sa korapsiyon.

Ayon sa Punong Ehekutibo, sumasakit na ang kanyang ulo sa aniya’y kaliwa’t kanang katiwalian sa pamahalaan na tila hindi maubos-ubos.

Kaya sinabi ng Presidente na sa halip na pakinabangan lang ng mga magnanakaw sa pamahalaan ang pera ng bayan, mas maiging ubusin ang pondo ng gobyerno sa tao.

Ito rin naman aniya ang kanyang naging direktiba sa mga miyembro ng kanyang gabinete.

Ibuhos sa tao ang tulong at asiste gamit ang pondo ng gobyerno kaysa maubos sa mga tiwali at korap na opisyal ng pamahalaang ang agenda ay mangulimbat at magnakaw sa pera ng taongbayan.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.