Pangulong Duterte, hindi apektado ng pag-akyat sa pre- trial chamber ng ICC

Hindi natitinag si Pangulong Rodrigo Duterte sa kung anuman ang nagiging galaw sa kasalukuyan kaugnay ng  alegasyon ditong crime against humanity sa International Criminal Court.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, gawin na kung ano ang gustong gawin ng mga kritiko pero matatag aniya ang Pangulo.

Sinabi ni Roque na naninindigan ang Presidente na kanyang gagawin ang dapat niyang gawin bilang Pangulo ng Republika

Kasabay nito ayon kay Roque ay patuloy ding igigiit ng Pangulong Duterte ang soberenya ng bansa at hinding hindi papayag na may manghimasok na dayuhan sa usaping panloob ng Pilipinas.

Una ng iginiit ng Palasyo na walang hurisdiksiyon ang ICC sa Pilipinas gayung hindi naman ito miyembro na ng ICC bukod pa sa gumagana naman ang sistemang panghustisya sa bansa.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.