Pangulong Duterte, hindi pa nagbibigay ng panibagong pahayag ukol sa posibleng pagtakbo nito bilang Bise Presidente

Wala pang ibinibigay na anumang panibagong pahayag si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa posibilidad na kumandidato ito bilang Vice President sa nalalapit na 2022 national election.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nananatili pa rin ang paninindigan ng Chief Executive na kanya nang ipinauubaya sa Poong Maykapal ang kanyang magiging kapalaran.

Kung kalooban aniya talaga ng Diyos na siya ay tumakbo sa darating na halalan ay tiyak na ito ang mangyayari.

Dagdag ni Roque na kung makikita ng Pangulo ang mga mensahe o senyales mula sa Diyos para ito ay tumakbo bilang Bise, mag aanunsyo aniya ito ng kaniyang desisyon sa tamang panahon.

Una nang nagpahayag sa kanyang programa si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na sa tigin niya ay maaaring tumakbo bilang VP si Pangulong Duterte sa bilang running mate ng anak nitong si Davao City Mayor Sarah Duterte.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.