Pangulong Duterte, hinikayat ang mga Pilipinong siyentipiko na lumikha ng Philippine-made anti-COVID vaccine

Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Filipino scientists na mag-isip ng kaparaanan upang makalikha ng bakunang maaaring tawaging sariling atin.

Ginawa ng Chief Executive ang panawagan sa harap ng aniya’y nagsusulputang mga variant ng virus.

Sinabi ng Pangulo na kailangang mag-double time ang mga siyentipikong Pilipino nang sa gayon ay may maipagkaloob na tulong sa mga Pilipino ngayong hindi pa din tapos ang pandemya.

Binigyang-diin ng Presidente na hindi naman sa lahat ng panahon ay magiging pala-asa ang Pilipinas sa ibang mga bansa at malaki aniya ang magagawa dito ng mga Filipino scientists.

Tiniyak naman ng Pangulo na may pera para sa nais niyang gawin ng mga siyentipiko at ito ay ang makalikha ng COVID vaccine na made in the Philippines.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.