Pangulong Duterte, hiniling ang pag-unlad ng bansa para sa kaniyang kaarawan

watch the video here:

Umaasa ang Pangulong Rodrigo Duterte na magpapatuloy ang progreso at kaunlaran ng bansa.

Ito ang inihayag ng Pangulo bilang birthday wish, makaraan itong hingan ng maiksing mensahe, at kantahan ng maligayang bati ng staff ng isang restaurant sa Davao City, kagabi.

Sinabi pa ng Pangulong Duterte na napakagulo na ngayon at maraming problemang kinakaharap ang mundo, at sana, huwag na raw madamay dito ang Pilipinas.

“My wish is that we will just continue to Progressive and prosper. Hindi tayo kasali sa mga gulo sa ibang bayan. I wish you all happiness “- wika ng Pangulo

Ayon kay Pangulong Duterte, ipagpapatuloy lamang ng gobyerno ang trabaho, at hangad nito ang kaayusan ng bayan.

Ngayong araw ang ika-74 na kaarawan ng Pangulong Rodrigo Duterte.  

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.