Pangulong Duterte, ibibigay ang oras sa pamilya pag-alis sa puwesto

Sa pamilya na itutuon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang panahon sa sandaling bumaba na ito sa poder sa susunod na taon.

Ayon sa Punong Ehekutibo, para sa mga taong kagaya niya na may edad na ay wala na umanong maibibigay sa bayan.

Maaaring produktibo pa naman ang ilang senior citizens gaya ng mga nasa Kongreso at Senado ngunit para sa kanya, ay hanggang sa susunod na taon na lang ang kanyang panahon sa mundo ng pulitika.

Ang naturang pahayag ay nasabi ng Presidente nang nabanggit nito ang kahandaang magparaya na lang sa iba kaysa sa siya pa ang sumalang sa pagbabakuna.

Pero sabi naman ni Presidential Spokesman Harry Roque, yun ay panandaliang sentimyento lang ng Pangulo.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.