Pangulong Duterte, ibibilad sa publiko ang mga gov’t agency na nagtetengga ng mga permit, dokumento na dapat nai-release na

Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang publiko na magreklamo laban sa mga ahensya ng pamahalaan na nagtetengga ng mga permit at ilan pang mga dokumentong inaaplayan ng mga taxpayers.

Ang apela ay ginawa ng Pangulo sa gitna ng labis na pagkadismaya nito sa hindi mapuksa-puksang korapsyon.

Sinabi ni Presidente Duterte na maaaring isulat sa kanya ang reklamo at handa niyang ilahad at pahiyain sa publiko ang mga ahensya ng pamahalaan na nakahawak ng papel nang matagal.

Babala ng Pangulo sa mga government offices na inuupuan lang ang mga papeles na dapat sana ay mai-release na, makakatikim ng masasakit na salita mula sa kanya at kanya itong gagawin sa publiko.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.