Pangulong Duterte, ibinalik na ang operasyon ng PCSO

Inalis na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang suspensyon ng operasyon ng lotto operations.

watch the video here:

Ito ani Presidential spokesperson Salvador Panelo ay ayon sa pahayag ni Executive Secretary Salvador Medialdea.

Ani Sec. Panelo, puwede nang i-resume ng mga franchise holders at operators ang operasyon ng kanilang lotto outlets.

“The lifting of the suspension of lotto operations takes effect immediately,” ayon kay Sec. Panelo.

Sa kabilang dako, mananatili namang suspendido ang mga gaming operations na may prankisa, lisensiya at permit na ibinigay o mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), gaya ng Small-Town Lottery (STL), Keno at Peryahan ng Bayan (PNB),

Mananatili aniyang suspendido ito hangga’t nagsasagawa ng imbestigasyon kaugnay sa ilegal na aktibidades at corrupt practice na may kinalaman dito.

Hihintayin din na masuri pang mabuti ng Office of the President (OP) ang resulta ng nasabing imbestigasyon.

“As per the advice of Executive Secretary Salvador C. Medialdea, the suspension of lotto operations has been ordered lifted by the President.

The rest of all gaming operations with franchises, licenses or permits granted by the Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), such as Small-Town Lottery (STL), Keno and Peryahan ng Bayan (PNB), shall remain suspended pending the investigation of illegal activities and corrupt practices related thereto until the Office of the President evaluates the results of said probe.

Franchise holders and operators of lotto outlets may now resume with their operations. The lifting of the suspension of lotto operations takes effect immediately,” ang kalatas ni Sec. Panelo. 

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.