Pangulong Duterte ibinunyag na mayroon siyang sakit na Myasthenia Gravis

Ibinunyag ni President Rodrigo Duterte na mayroon siyang ‘myasthenia gravis’ kung saan nakararanas siya ng pananakit ng kalamnan. Ito ay isang rare autoimmune neuromuscular disease kung saan sinisira ng antibodies ang muscle receptors na maaaring magresulta ng pagbaba ng eyelids o panghihina.

watch the video here:

Ito ang kanyang ipinahayag sa isang pagpupulong kasama ang mga Pinoy sa Moscow, Russia.

Ikinwento rin niya ang kondisyon ng kanyang mata.

 “Ganun ako eh. May talent ako, magtingin ako sa’yo, ‘yung isang mata ko bumaba… Actually my –that’s myasthenia gravis. It’s a nerve malfunction,” saad ng Pangulo.

Namana aniya ang sakit na ito sa kanyang lolo.

“So, I believe really in genetics. Kung anong sa kanya, nakuha ko eh. Kamukha ako daw ng lolo ko,” dagdag pa nito.

Kamakailan ay inilantad din ng Pangulo na mayroon siyang ‘Buerger’s disease’ at ‘misaligned spine’.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, hindi dapat mag-alala ang publiko dahil hindi naman ganoon kaseryoso ang karamdaman ng Pangulo.

Sa simula pa lamang naman aniya ay hindi na itinatago ni Pangulong Duterte kung mayroon man siyang nararamdaman.

Sinabi rin ng kalihim na kitang-kita naman kung gaano kalakas at kasigla ang Pangulo sa mga dinadaluhan nitong pagtitipon.

Sa katunayan, ganado pa itong magsalita tuwing nagtatalumpati at ito rin ang humihikayat sa media na magtanong pa tuwing mayroong press conference.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.