Pangulong Duterte, ikinalungkot ang pagbibitiw ni PM Abe

Ikinalungkot ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang ginawang pagbibitiw sa puwesto ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe dahil sa health condition.

“It is with much regret that i learned of Prime Minister Abe Shinzo’s resignation,” ayon kay Pangulong Duterte.

Sa ulat, si Abe ay ilang taon nang nakikipaglaban sa sakit na ulcerative colitis kaya’t nagdesisyon na magbitiw sa puwesto.

“To Prime Minister Abe, I pray for your speedy and full recovery,” dagdag na pahayag ng Pangulo.

Ayon sa Pangulo, sa maraming taon ng pakikipagkasundo ng Pilipinas at Japan ay nakita niya kay Abe ang isang lider na may “bold vision and firm determination” na gawin kung ano ang

makabubuti sa kanyang mga mamamayan at sa rehiyon ng Pilipinas.

Ang bilateral relations aniya ng Pilipinas at Japan, ngayon ay Strategic Partnership, ay labis na umusbong sa ilalim ng panunungkulan ni Abe.

“What we have worked for and achieved together lays the foundation for an even closer friendship and cooperation between our countries in the future,” ayon sa Pangulo.

Bukod dito, hindi makalilimutan ni Pangulong Duterte ang kabaitan at lakas ng karakter ni Prime Minister Abe.

“Prime Minister Abe was also gracious, accepting my invitation to visit Davao City where I and Honeylet welcomed him and Madame Akie warmly to my humble home,” ani Pangulong Duterte.

Para sa Chief Executive at sa mga mamamayang filipino, si Abe ay totoong kaibigan.

“He is .. to me and the Filipino people… a true friend closer than a brother,” anito.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.