Pangulong Duterte, ikinukunsiderang tuluyan ng ipagbawal ang paggamit ng plastic

Isa ang posibleng tuluyan ng pagbabawal sa paggamit ng plastic ang tinalakay sa ginanap na cabinet meeting kagabi.

Sa harap na rin ito ng pagnanais ng Chief Executive, na ganap ng ibasura ang paggamit ng plastic para malabanan ang nararanasang climate change.

Pero ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Spokesperson Salvador Panelo, aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi gayung kadali ang nais nitong basta-basta ipatigil ang paggamit ng plastic.

Batid ani Panelo ng Presidente, na kailangan ditong kumilos ang mga nasa lehislatura upang makagawa ng panukalang batas na tuluyang magbabawal sa paggamit ng plastic sa buong bansa.

Sa ginanap na cabinet meeting kagabi, ay ibinahagi ni Vernice Victorio, Pangulo at CEO ng Natural Resources Development Corporation , isang attached-GOCC ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang isang presentation patungkol sa climate change programs, na maaaring ipatupad ng gobyerno at gawing priority programs para sa environment and climate change resiliency ng bansa.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.