Pangulong Duterte, inamin na may sakit ngunit hindi malala

Inamin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang public address kagabi na may sakit siya ngunit hindi aniya ito malala.

Ginawa ng pangulo ang pag-amin kaugnay ng mga lumulutang na ispekulasyon na mayroon siyang matinding karamdaman kaya’t ipinagpaliban nito ang kaniyang mga nakatakdang pagharap sa publiko noong nakaraang linggo.

Iginiit ng pangulo na kahit mayroon itong nararamdaman ay hindi aniya ito makaapekto sa kaniya upang gampanan ang kanyang tungkulin bilang pinuno ng bansa.

Magugunita na naglabas ng mga larawan si Senator Christopher Bong Go kasama ang pangulo habang nag-eehersisyo ito bilang katunayan na nasa maayos na kondisyon ang pangulo.

Tiniyak naman ng pangulo na wala siyang nasayang na oras dahil gabi na iyon at walang masama kung gusto niyang maglibang pagkatapos ng kanyang trabaho.

Samantala, handang i-wave ng pangulo ang kanyang slot para sa bakuna kontra COVID-19.

Paliwanag ng pangulo, matanda na siya at hayaan na lamang iturok ito sa ibang tao na mas magiging produktibo sa kanya.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.