Pangulong Duterte, inaming napag- isipan ng palitan si Customs Chief Rey Guerrero

Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na kanyang naikunsidera na palitan na si retired Heneral Reynaldo Guerrero bilang pinuno ng Bureau of Customs (BOC).

Pero paglilinaw ng Chief Executive, hindi ito dahil sa korupsiyon kundi dahil sa ipinagkakaloob nitong tiwala sa mga taong hindi naman dapat pagkatiwalaan.

Special mention dito ng Pangulo si BOC Chief of Staff Teodoro Jumamil, na ayon sa Pangulo ay matagal na niyang sinabi kay Guerrero na bitiwan na gayung ito umano ay korap.

Naglalaro aniya ito sabi ng Punong Ehekutibo na kung saan ay may hawak itong posisyon sa DBP habang sa kabilang banday empleyado din ng Customs Bureau.

Binigyang diin ng Pangulo na hindi dahil sa nakatulong sa kanya si Jumamil ay magpipikit mata na siya sa mga ginagawa nito na aniya’y matagal ng namamayagpag at sisira kay Guerrero.

Walang duda ayon sa Pangulo na malinis si Guerrero na ang kailangan ngayon ay tulong sa Customs.

Bukod sa PhilHealth, BOC naman ang pinasisiyasat ni Pangulong Duterte sa Department of Justice kaugnay ng sinasabing namamayagpag pa ding katiwalian sa ahensiya.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.