Pangulong Duterte, inilabas na ang mahigit 40 na politikong kabilang sa umano’y narco-list

watch the video here:

Isa-isang pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang 46 na lokal na opisyal at 3 kongresista na kasama sa narco-list.

Mula sa orihinal na bilang na 82 ay 46 lamang ang verified at kinakitaan ng probable cause na sabit sa illegal na droga.

Kabilang sa listahan ng Chief Executive sa 82 mga pulitiko ay ang ilang gobernador, vice-governors, congressmen, mayors, vice-mayors at ilang konsehal.

Iyon nga lamang, umabot lamang sa 40 na mga pangalan ang kanyang nabanggit dahil hindi pa siya sigurado sa ilang mga kasama sa narco list.

Kabilang sa mga pinangalanan ni Duterte sina Ilocos Rep. Jesus Celeste; Zambales Rep. Jeffrey Khonghun at Leyte Rep. Vicente Sofronio Veloso.

Gayundin si Rizal Board Member Rommel Ayuson.

Kasama naman sa listahan ng mga mayor sina Ferdinand Aguinaldo ng Pasuquin, Ilocos Norte; Marjorie Salazar ng Lasam, Cagayan; Cipriano Violago, Jr. ng San Rafael, Bulacan; Erlon Agustin ng Camiling, Tarlac; Fernandez Khonghun ng Subic, Zambales; Bruno Ramos ng Bay, Laguna; Cesar Perez ng Los Baños, Laguna; Cecilio Hernandez ng Rodriguez, Rizal; Eulalio Mendoza, Lemery, Batangas; Juan Toreja ng Ibaan, Batangas; Loreto Amante, San Pablo City, Laguna; Raul Palino, Teresa, Rizal; Roderick Alcala, Lucena City; Nieves Rosente, El Nido, Palawan; Jed Patrick Mabilog, Iloilo City; Julius Ronald Pacificador, Hamtic, Antique; Mariano Malones, Sr. Maasin, Iloilo; Siegfredo Betita, Carles, Iloilo; Franz Sabalones, San Fernando, Cebu; Vicente Loot, Daang Bantayan, Cebu; Gamar Janihim, Sirawai, Zamboanga del Norte; Leonida Angcap, Midsalip, Zamboanga del Sur; Crisinciano Mahilac, Sinacaban, Misamis Occidental; David Navarro, Clarin, Misamis Occidental; Ezel Villanueva, Calamba, Misamis Occidental; Jason Almonte, Oroquita City; Abubakar Maulana, Palimbang, Sultan Kudarat; Albert Palencia, Banga, South Cotabato; Pablo Matinong, Jr., Sto. Niño, South Cotabato; Roberto Luna, Jr., Lingig, Surigao del Sur; Jamal Pangandaman, Maguing, Lanao del Sur; Mamaulan Mulok, Maguing, Lanao del Sur; Montasser Sabal, Talitay, Maguindanao; Raul Sangki, Ampatuan, Maguindanao; Vicman Montawal, Datu Montawal, Maguindanao at Jamar Mansul, ng Hadji Muhtamad, Basilan.

Nasa listahan din ang mga vice mayor na sina Dennis Hernandez ng Rodriguez, Rizal; Ohto  Montawal, Datu Montawal; Abdulwahad Sabal, Talitay, Maguindanao; Anida Dimaukom, Datu Saudi, Ampatuan, Maguindanao; Arafat Salic, Marawi City at Ariel Alagos, Jr., Culasi, Antique

Kapansin-pansin na muli na namang nakasama sa listahan ang mga dati na ring isinangkot ng pangulo sa illegal drugs na sina Daanbantayan, Cebu Mayor Vicente Loot at ang pinatalsik na na si dating Iloilo City Mayor Jed Mabilog.

Binigyang diin ng Punong Ehekutibo na hindi makalulusot ang mga binanggit niyang pangalan dahil dumaan ito sa beripikasyon ng mga otoridad.

Smanatala, kasalukuyan namang nasa Davao City ang lahat ng mga top officials ng Philippine National Police at Armed Foirces of the Philippines para sa pulong ng National Peace and Order Council (NPOC) sa Davao City.

Present din sa nasabing pulong ang mga top officials ng DILG, Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police at Philippine Drug Enforcement Agency.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.