Pangulong Duterte, iniutos sa PNP at AFP ang full-scale attack laban sa CPP-NPA

Ipinag-utos muli ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang full-scale attack laban sa New People’s Army (NPA).

Sa talumpati ng Pangulo sa Malacañang, sinabi nito na ang full-scale attack ay katumbas ng all-out war kontra sa mga rebeldeng komunista.

Ayon sa Pangulo, hindi hihinto at magtutuloy- tuloy ang militar sa paglaban sa mga ito.

Magpa-palitan aniya ang mga sundalo kontra sa mga rebelde.

Nais ni Pangulong Duterte na matuldukan na ang problema ng bansa sa rebelde sa ilalim ng kaniyang termino.

Sinabi ng Pangulo na nag-ugat ang utos na ito sa nangyaring pamamaslang ng NPA sa apat na pulis sa Negros Oriental noong buwan ng Hulyo.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.