Pangulong Duterte, inutos ang pagtanggi sa loans, grants sa 18 bansa na sumuporta sa imbestigasyon sa PH drug war

Umamin si Presidential spokesperson Salvador Panelo na ipinag-utos nga ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga state departments  ang pagbasura o pagtanggi sa loans at grants mula sa 18 bansa na sumuporta sa imbestigasyon laban sa war on drugs ng Pilipinas.

watch the video here:

Ang pag-amin na ito ni Sec. Panelo ay matapos na itanggi na mayroong kautusan na ipinalabas ang Pangulo at sabihing bunsod ito ng “lapse of memory” ng Chief Executive.

Noong nakaraang linggo kasi ay sinabi ni Sec. Panelo na hindi nagpalabas ng kahit na anumang memorandum si Pangulong Duterte na naglalayong suspendihin ang “loans and negotiations” kaugnay ang 18 member-countries ng United Nations Human Rights Council, kung saan nito lamang Hulyo ay inaprubahan ang resolusyon ng bansang Iceland na pagsama-samahin ang report ukol sa on  3-year crackdown laban sa illegal na droga.

“A memo was issued by Executive Secretary [Salvador] Medialdea on the matter. The question asked to me by the media was whether or not the President issued a memorandum… When I asked him, he said ‘No, I did not.’ He might have forgotten momentarily. When I asked him again, he said, ‘Yes, I remember calling the Secretary about it,’” ani Sec. Panelo.

At sa tanong kung ang pagtanggi noong una kung may ipinalabas na kautusan ang Pangulo ay bunsod ng “ignorance of protocol” ang naging sagot ni Sec. Panelo ay “No, that’s more of lapse of memory.” 

Ang 18 mga bansang bumoto bilang suporta sa drug war probe ay ang Argentina, Australia, Austria, Bahamas, Bulgaria, Croatia, Czech Republic, Denmark, Fiji, Iceland, Italy, Mexico, Peru, Slovakia, Spain, Ukraine, United Kingdom, at Uruguay.

Sa kabilang dako, nilinaw naman ni Sec. Panelo na  sa 18 bansa ay tanging ang UK lamang ang may existing loan arrangement sa Maynila na umaabot sa  21 million euros na hindi naman makaaapekto sa ekonomiya ng bansa.

“This country (Philippines) is insulted by that kind of Iceland resolution and we cannot allow this country who is insulting us, a country who condemns allegedly our slaying of certain victims yet it allows abortion of unborn children up to less than 6 months old. There are other bilateral partners of us or other institutions that are offering the same grant… Other grants that are being offered are more on technical assistance so it will not affect this, the infrastructure of the government,” ang sinabi aniya sa kanya ni Pangulong Duterte.

Wala namang ideya si Sec. Panelo kung anong bansa ang nag-alol ng alternative grants.

Ang impormasyon aniyang ito ay mula kay Finance Secretary Carlos Dominguez. 

Samantala, sa anti-narcotics drive ng Duterte administration ay hindi pa umabot sa 6,000 ang namatay.

Ipinalabas kasi ng 2018 World Report of New York-based Human Rights Watch na umabot na sa 12,000 drug suspects ang napatay kabilang na ang  mga namatay na pulis at unknown assassins.

“They’re getting that out of thin air,” ayon kay Sec. Panelo.

TInatayang  8 mula sa 10 Filipino naman ang satisfied sa  drug war ng Duterte administration ayon sa opinion poll na ipinalabas noong nakaraang linggo. 

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.