Pangulong Duterte, ipinahiwatig na balasahan sa NAIA

Namimiligrong magkaroon ng rigodon sa Ninoy Aquino International Airport para lalong mapahusay ang serbisyo sa pangunahing paliparan sa bansa.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na ipinahiwatig ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ika-38th cabinet meeting noong Lunes ng gabi ang pagbalasa matapos ang ginawang surprise inspection sa NAIA terminal 2.

Ayon kay Panelo, inihayag ng Presidente sa cabinet meeting ang pagkadismaya sa mga natuklasan nito sa kanyang ginawang sorpresang pagbisita sa paliparan noong Lunes ng madaling araw.

“The President shared to the cabinet secretaries what he found out in his surprise visit at the NAIA. He expressed dismay and hinted revamp,” ani Panelo.

Ang surprise inspection ng Pangulo sa NAIA terminal 2 ay bunsod ng natanggap na impormasyon ng kanselasyon at pagkaantala ng mga flights noong araw ng Linggo dahil sa umano’y matinding kidlat at kulog na naranasan sa Metro Manila.

Sa ginawang inspection ng Pangulo nitong Lunes ng madaling araw, kinausap nito ang naabutang mga pasahero sa NAIA 2 at humingi ng dispensa sa pagka-delay ng kanilang mga flight.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.