Pangulong Duterte, isang linggong magpapahinga dahil sa sakit na severe lumbar muscle spasm

Isang linggong magpapahinga si Pangulong Rodrigo Duterte pagkatapos nitong dumalo sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit, mula November 2 hanggang 4 sa Bangkok, Thailand ayon kay Senador Christopher ‘Bong’ Go.

watch the video here:

Sinabi ni Go, na batay sa pagsusuri ng mga doktor, napag-alamang severe lumbar muscle spasm ang sakit ng Pangulo.

Paliwanag ng senador, pinayuhan ng mga doktor ang Pangulo na magpahinga ng ilang araw at huwag munang masyadong igalaw ang kanyang likod.

Aniya, sa bahay niya sa Davao magpapahinga ng isang linggo ang Presidente, pero gagawin pa rin ng Pangulo ang ilang trabaho.

Tiniyak ni Go, na dadaluhan ni Pangulong Duterte ang lahat ng kanyang appointment ngayong linggo saka magtutungo sa Davao ngayong weekend para magpahinga.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.