Pangulong Duterte, isasapuliko ang kanyang pagpapabakuna vs. COVID-19

Isasapubliko na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pagpapabakuna laban sa COVID-19.

“I think The President has said that he will have himself vaccinated publicly.” —Secretary Roque.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang desisyong ito ng Pangulo ay upang mapataas ang kumpiyansa ng mga Pilipino sa vaccination program ng pamahalaan.

Ang hinihintay na lamang aniya sa kasalukuyan ay kung kailan ito isasagawa. Alinsunod na rin sa paggulong ng vaccination program ng gobyerno.

“He only has to announce when it will be done and that’s of course in recognition of the fact na nagaantay ng senyales ang taumbayan kung sila’y magpapabakuna o hindi. ” —Secretary Roque.

Matatandaan na una na ring binigyang diin ng Palasyo, na kung si Pangulong Duterte ang tatanungin, nais niyang magpaturok ng COVID vaccine na gawa ng China.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.