Pangulong Duterte, itinalaga si Executive Sec Medialdea bilang OIC ng executive branch habang nasa Thailand si PRRD

Sa ilalim ng Special Order no. 1182, itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Executive Secretary Salvador Medialdea bilang OIC sa executive branch habang nasa Thailand ito, simula November 1 hanggang November 4.

Ito ay upang matiyak na magtutuloy-tuloy ang operasyon ng executive branch habang nasa official visit ang Pangulo upang dumalo sa 35th ASEAN Summit.

Minamandato rin ng special order ang lahat ng tanggapan ng pamahalaan na tulungan ang itinalagang OIC upang magampanan nito ang kanyang tungkulin.

Ngayong araw (Oct 30), nilagdaan ng Pangulo ang naturang kautusan.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.