Pangulong Duterte, itinuturing na best communicator at endorser ng gobyerno sa kampanya nito vs COVID-19

Malaki ang partisipasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa communication plan ng pamahalaan sa gitna ng patuloy na pakikibaka ng bansa laban sa COVID-19.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, best communicator ng National Task Force ang Chief Executive at malaki aniya ang impact na naiambag ng Pangulo sa paglabas nito sa isang infomercial na nagpapa-alalang i-obserba ang minimum health protocol.

Ito ay ang Mask, Hugas, at Iwas.
 
Pero kung pag-uusapan naman aniya ang posibilidad na isapubliko ang pagpapabakuna ng Pangulo para makahikayat sa mga Pilipinong sumalang din sa bakuna, sinabi ni Roque na nagsalita na dito ang Presidente.

Gagawin niya ito privately dahil gusto niyang maturukan siya ng bakuna sa puwet.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.