Pangulong Duterte kahit may iniindang sakit tuloy ang Biyahe sa Thailand at Chile para sa ASEAN at APEC summit

Tiniyak ng Malacanang na dadalo si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang 35th ASEAN Summit and Related Summits sa Oktubre 31 hanggang Nobyembre 4 sa Bangkok, Thailand at APEC summit sa Chile sa Nobyembre 16 hanggang 17 ng taong kasalukuyan.

Sa katunayan ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo ay tutulak ang Pangulo patungong Thailand sa Nobyembre 1.

Tuloy aniya ang iskedyul ng Pangulo at walang mababago rito.

Subalit ang spacing aniya ng events ng Pangulo ay babaguhin dahil masyado na aniyang punishing ang schedule nito.

Nauna rito, pinayuhan aniya ang Pangulo na maghinay-hinay lang dahil hindi na aniya siya maituturing na ‘spring chicken”.

Partikular na ipinaalala aniya ng doktor kay Pangulong Duterte ay walang tagalan ang duration ng pagtayo nito at paglalakad.

Tuloy pa rin naman aniya ang mga aktibidaded ng Chief Executive subalit kailangan na i-minimize ang physical activity nito.

“Siguro, iyong mga events ay may space dahil masyadong punishing ang schedule,” ani Sec. Panelo.

Magkagayon man aniya ay nasa maayos ang kalusugan ng Punong Ehekutibo.

Kaya’t walang dapat na ipag-alala ang lahat.

Samantala, hindi naman alam  ni Sec. Panelo kung saang ospital nagpa-check up si Pangulong Duterte. Ito’y hindi aniya nabanggit sa kanya ng Pangulo.

Wala rin siyang ideya kung sino ang attending physician o doctor ni Pangulong Duterte.

Ang mahalaga aniya ay okay ang Pangulo at taglay lamang nitong sakit ay muscular spasm.

Sa katunayan aniya, kagabi ay maganda ang hitsura o aura ni Pangulong Duterte.

MULI inulit nito na walang dahilan para magpalabas ng medical bulletin ang Malakanyang. Ang katuwiran nito ay nagpapalabas lamang ng medical bulletin ang Malakanyang kapag may seryosong sakit ang Pangulo.

Iyon aniya ay constitutional requirement.

Kumbinsido naman si Sec. Panerlo na nagsabi si Pangulong Duterte sa kanyang doktor na magmo-motor siya dahil ang Pangulo aniya base sa kanyang pagkakakilala niya rito ay masunurin sa kanyang doktor.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.