Pangulong Duterte kailangan ng malakas na political will, para malinis ang PhilHealth

Iginiit ni Senador Panfilo Lacson na malakas na political will ang kailangan ni Pangulong Rodrigo Duterte, para malinis ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Ayon kay Lacson, ito ang mas kailangan ni Pangulong Duterte kaysa sa emergency powers na ipinapanukala sa Kamara.

Sinabi pa ng senador, na dapat itong simulan ng Pangulo sa pagtatanggal sa pwesto kay Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III, na siyang ex-officio chairperson ng board ng PhilHealth.

Ang maaari aniyang ipalit kay Duque, ay isang indibidwal na may above-average na leadership skills, competency, katapatan at integridad, at yung hindi maghuhugas-kamay at aakuin ang ano mang kamaliang magagawa ng ahensya.

Sa isa pang hiwalay na pahayag, sinabi rin ni Lacson, na kahit ano pang galing ng ating mga economic manager ay mananatili tayong lugmok sa kinakaharap nating pandemya, kung mananatiling mababa ang level of competency ng ating Department of Health.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.