Pangulong Duterte kay PhilHealth Chief Ricardo Morales, depende sa mga ebidensiya kung pagkakatiwalaan pa nito

Depende na sa mga ebidensiyang makakarating kay Pangulong Rodrigo Duterte, kung patuloy pa nitong pagkakatiwalaan si PhilHealth President Ret. Gen. Ricardo Morales.

Pahayag ito ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, sa harap ng nahahalukay ngayong anomalya na kung saan ay 15 bilyong piso umano ang nawawala taon- taon sa ahensiya dahil sa mafia.

Sinabi ni Roque na naririyan pa din ang tiwala ng Pangulo kay Morales base sa pahayag ni Senador Bong Go,  ngunit maaari aniya itong magbago.

Ang nais aniya ng Presidente ay makuha ang mga katunayan laban kay Morales at mula duon ay tsaka madedetermina kung mananatili ang tiwala at kumpyansa ng Presidente sa pinuno ng PhilHealth.

Kaugnay nito ay ikinaalarma naman ni Roque ang pag-amin ni Morales sa Senate hearing na talamak nga ang korapsiyon sa PhilHealth.

Ang tanong ngayon ayon sa tagapag-salita, ano ang hakbang na ginawa ni Morales sa gitna ng nalalaman nitong iregularidad na nagaganap sa ahensiyang kanyang pinamumunuan.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.