Pangulong Duterte, Kinalampag ang mga brgy chairman na gawin ang trabaho sa pagsasailalim ng MECQ

Kinalampag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kapitan ng baranggay kasunod ng pagsasailalim sa ilang mga lugar sa bansa sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Sinabi ng Chief Executive na sa kanya ibinabagsak ang sisi ng maraming pagkahawa ng sakit na COVID sa gitna ng napakaraming tao na patuloy pa ring naglalabasan ng kanilang bahay.

Kaya utos ng Pangulo sa mga barangay captain na mahigpit na ipatupad ang quarantine protocol kabilang na ang pag-iimplementa ng lockdown.

Malaki ayon sa Presidente ang papel hindi lamang ng mga nasa baranggay kundi pati ng mga alkalde para mapigilan ang pagkalat ng virus sa kani-kanilang areas ng jurisdiction.

Sa kabilang dako’y wala na naman aniyang magagawa ang Pangulo sa mga sobrang higpit namang mga alkalde gayung may sariling awtonomiya ang mga ito sa ilalim ng Local Government Code.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.