Pangulong Duterte, magta trabaho habang nasa Davao City

Tinangihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang payo ng malalapit sa kaniya na magpahinga muna kasunod na rin ng mabibigat na schedule ng Pangulo, halimbawa na lamang ang katatapos lang na ASEAN Summit sa Thailand.

Paglilinaw ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, hindi magli-leave ang Pangulo ng tatlong araw bagkus ay magtatrabaho pa rin ito sa Davao City.

Sa isang panayam, sinabi ni Secretary Panelo, na kung sa bahay niya ito sa Davao city magtatrabaho, makakapagpahinga agad ang Pangulo sa oras na matapos na nito ang kanyang mga paperwork.

Di tulad kung sa Malacañang ito kikilos, dahil hindi makapagpapahinga ang Pangulo sa dami ng gustong kumausap at magkaroon ng private meeting kasama ito.

Muli namang sinabi ng kalihim na walang dapat na ipag-alala ang publiko sa kalusugan ng Pangulo.

Sinabi ng kalihim, na ngayong gabi dadalaw muna si Pangulong Duterte sa burol ng tycoon na si John Gokongwei, Jr. sa Heritage, saka ito tutulak papuntang Davao City.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.