Pangulong Duterte, mas pinagtibay ang malakas na ugnayan sa Russia

Mas pinagtibay ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang commitment ng Pilipinas na magkaroon ng malakas na ugnayan sa Russia.

watch the video here:

Ikinuwento ng Punong Ehekutibo ang mga makasaysayang unang pagkakataon na nangyari sa pagitan ng Pilipinas at Russia.

Bumalik aniya siya sa Russia para palakasin ang partnership ng dalawang bansa.

“I am here today to reaffirm our strong commitment to build a robust and comprehensive partnership with the Russian Federation,” ayon kay Pangulong Duterte.

Mas tumibay aniya ang ugnayan ng Pilipinas at Russia sa iba’t ibang larangan gayundin ang kooperasyon ng dalawang gobyerno kabilang sa ekonomiya, seguridad at militar.

“In the past two years, we have seen a dramatic increase in bilateral activities across many areas of cooperation at various levels of government. We have also made historic firsts in the key strategic areas from economic defense, security and military technical cooperation,” anito.

Kaya nga, mahalaga aniyang mapanatili ang nasabing mga dayalogo at palakasin ang mekanismo para lalong lumakas ang pundasyon ng lumalakas na relasyon ng dalawang bansa.

Samantala, Puno ng papuri ang natanggap ng Pilipinas at ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pakikipagkita nito kay Russian President Vladimir Putin.

Sa pagbisita ni Duterte sa Russia, nilahad ni Putin na isang mahalagang kakampi ang Pilipinas para sa naturang bansa.

“I would like to highlight that the Philippines is a very important partner of Russia in Asia. Our bilateral cooperation is constructive and mutually beneficial,” pakli ni Putin.

Inalala rin ni Putin ang unang pagdalaw ni Duterte sa Russia, kung saan kinailangan paikliin ng huli dahil sa terror attack.

Aniya, bilib siya kay Duterte dahil napalakas umano nito ang puwersa ng militar sa Pilipinas sa nakalipas na dalawang taon.

Binida rin ng Russia President ang matatag na pagsasamahan ng dalawang bansa pagdating sa ekonomiya.

“Last year, our trading has grown two-fold. So it was more than 1.2 billion dollars. And Russian export also grew four-fold,” aniya pa.

“We have major reserves in place and Russian companies are ready to increase the supplies of energy carriers, aircraft, transport, special equipment.”

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.