Pangulong Duterte, may tiwala pa rin kay Faeldon

Nananatili pa ring may tiwala at kumpiyansa si Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Bureau of Corrections (BuCor) chief Nicanor Faeldon.

May panawagan kasi ang ilang senador kay Pangulong Duterte na sibakin si Faeldon at magsagawa ng malawakang balasahan sa mga opisyal ng BuCor makaraang pumutok ang kontrobersyal na muntik nang paglaya ni convicted rapist at murderer Antonio Sanchez at paglaya ng apat na convicted drug lord.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, na hangga’t hindi nagsasalita si Pangulong Duterte, ang presumption ay buo pa ang tiwala nito at kumpiyansa kay Faeldon.

Nasa diskarte na aniya ng Chief Executive kung ano ang magiging kapalaran ni Faeldon.

Magugunitang sa ilalim ng pamumuno noon ni Faeldon sa Bureau of Customs (BOC), nakalusot ang P6.4 bilyong halaga ng shabu shipment.

At ngayon naman na nasa BuCor na si Faeldon ay muntik nang makalaya si Sanchez, habang tuluyan nang nakalaya ang halos dalawang libong bilanggo na may karumal dumal na kaso kabilang na ang apat na convicted Chinese drug lord.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.