Pangulong Duterte, muling bumuwelta sa grupo ng makakaliwa

Tinumbok ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkakasabwat para sa isang grand conspiracy ang lahat ng legal fronts ng komunistang grupo na ang layunin ay mang-agaw ng gobyerno.

Ito ay ang Makabayan, Bayan, gayundin ang Gabriela na direktang tinumbok ng Pangulo na pawang mga komunista at hindi lang basta dapat na i- red tag.

Sabi ng Pangulo, tama ang Armed Forces of the Philippines na tukuyin sila bilang mga komunista na walang idelohiya sabay banat kay CPP-NPA-NDF founding chairman Joma Sison na hinamon pa ng Chief Executive sa debate.

Nakatikim din mula sa Pangulo si Congressman Carlos Zarate na aniya’y tagapagtanggol ng mga oligarch.

Sabi ng Pangulo kay Zarate, nakikita niya ang dumi ng aso sa tuwing nakikita niya ang kongresista sa telebisyon.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.