Pangulong Duterte na ngakong di palulusutin ang mga tiwaling opisyal sa PhilHealth

Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga korap na opisyal ng (PhilHealth) na mananagot ang mga ito.

Ayon sa Pangulo, kung nakalusot man ang mga ito sa mga nagdaang Pangulo ng Pilipinas, hindi niya hahayaan na makalusot rin ito sa ilalim ng kaniyang administrasyon.

Sinabi ng Pangulo na katuwang niya ang mga miyembro ng Gabinete sa pagpapanagot sa mga tiwaling opisyal ng PhilHealth.

Tinutulungan aniya siya ng mga kalihim ng Cabinet secretaries sa laban na ito, dahil mahal rin nila ang Pilipinas.

Samantala, para naman sa mga inosenteng kawani ng PhilHealth, ayon sa Pangulo wala dapat na ipag-alala ang mga ito, at magpatuloy lamang aniya sila sa kanilang trabaho.

“Huwag kayo magkakamali, itong PhilHealth. Sabi ko yayariin ko kayo, maniwala kayo. ‘Yung mga inosente naman wala kayo dapat.. tahimik lang kayo. Continue working. Nakalusot kayo sa ibang president, dito sa ‘kin sadsad talaga kayo,” pahayag ng Pangulong Duterte.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.